Noynoy Aquino's oath-taking: Bgy Capt will hold the Bible not Shalani | Politics News

Noynoy Aquino's oath-taking: Bgy Capt will hold the Bible not Shalani


NOYNOY AQUINO

Reportedly, it is not the newly elect president’s girlfriend Shalani Soledad who will hold the bible in the inauguration that is set to take place at Quirino Grandstand on June 30.

According to Maria Montelibano, head of the inaugural committee of PNoy, the chosen bible holder in the inauguration of Aquino is barangay chairman Eugenio Perez of Tarlac.

In earlier reports, Aquino already disclosed that he would rather have his oath-taking to a barangay chairman than to SC Chief Justice Renato Corona. Aquino chose SC Associate Justice Conchita Carpio-Morales, but added that he also invited all the members of the Supreme Court including Corona.

Traditionally, it’s the wife or the better half of the president who holds the bible as he/she takes his/her oath.

In Arroyo’s oath-taking, it was First Gentleman Mike Arroyo who held the bible.  Same thing with President Joseph Estrada. Former Sen. Loi Ejercito-Estrada held the bible for him.  First Lady Amelia Ramos held the bible for President Fidel Ramos.

Now, since Aquino is not yet married but  have a girlfriend, almost everybody expected Valenzuela City Councilor Shalani Soledad will hold the bible for him.

During the proclamation of Noynoy last June 9, in front of National Board of Canvassers (NBOC), some were wondering why Councilor Shalani was not invited to join him at the podium and to the gathering that served as a blow out of Aquino to his family and friends.

Shalani Soledad has been always behind Aquino, despite the issues being thrown at them. She remains to be supportive and has no intentions of grabbing the spotlight from her boyfriend.  She claims that serving the country and the people of the Philippines will always be their first priority.

 

  • Concern_npoemployee

    NPO PATATAGIN

     

    Humanda na kayo mga kaibigan

    Tibayan ang loob, punuin ng tapang

    Kamao’y kuyumin sa taas ibuntal

    Tanda ng ating pakikipaglaban

     

    Handa naba kayo mga kasama

    Kulang yata tayo paanong mananalo

    Ang labanang ito’y umaatikabo

    Malakas na p’wersa ang kailangan dito

     

    Halina, halina mga kasama

    Tulung-tulong tayo sa bakbakang ito

    Ang ahensiyang ito’y guguhong totoo

    ‘Pag tayo’y natulog, matatalo tayo

     

    Mga kasamahan naming nahihimbing

    Gumising na kayo tayo’y may gawain

    Patatagin natin ang National Printing

    pagkat winawasak ng mga suwail

     

    Kung mayro’n man kayong mga hinanakit

    Itabi na muna tayo’y magpakasakit

    Promotion ay lalong hindi makakamit

    ‘Pag wala nang Printing, mas lalong hinagpis

     

    Papayag ba kayong malusaw ang Printing

    Na tanging sandigan ng kabuhayan natin

    Pa’no na ang bukas at mga pangarap

    Trabaho ay sadyang kay-hirap hanapin

     

    Magigiting na kawani, akoy pakinggan n’yo

    ‘Di-pantay ang turing sa NPO at APO

    Ang APO na isang kumpanyang pribado

    Ay nais tapakan imprenta ng gobyerno

     

     

    Si Coloma’y tila walang pakialam

    Sa naghihikahos nating kalagayan

    Kahit konti sana
    tayo’y dampulayan

    Ng trabahong sadyang sa NPO naman

     

     

    Si Coloma’t Visperas ay magkasapakat

    ‘Di pa nabubusog nais na mabundat

    Hindi pa nasiyahan sa APO ng ganap

    Pati ang NPO, binabalasubas

     

     

    Kung sino pa yaong mga mandarambong

    Ay siyang kinatigan nitong PCOO

    Di ba’t bilyong piso ang utang niyon

    Kung saan napunta, hindi na matunton

     

    Ang dapat nga sana’y noon pa ‘tinapon

    Ang waldas na APO’y walang naitulong

    Sa National Treasury kahit singko noon

    Walang ibinigay, lahat ay nilamon

     

    Kaya nga sa Asset Privatization Trust

    APO’y inilagay upang makakalap

    Ng kahit kapurit ang gobyernong kurap

    Ngunit ‘di nangyari, APO’y nakaligtas

     

    Sa laki ng utang walang nagkagusto

    Walang nagkamaling bumili sa APO

    Ngunit ang masakit sa gobyernong ito

    Ginawang GOCC ang hayop na APO.

     

    Paano na ngayon ang bilyong utang nito

    Sino’ng magbabayad mga katoto ko

    Tayong mahihirap, hati-hati rito

    Ang mga walanghiya’y pinagtatawanan tayo

     

    Ano’ng hakbang ngayon ang ating gagawin?

    “Bawiin ang trabahong inagaw sa atin

    ng hunyangong APO sa bulok na ‘building’

    Baon pa sa utang, tunay na salarin.

     

    Ang susunod naman na mabuting gawin

    Mga makinarya’y ating palakasin

    Ito ang gulugod ng National Printing

    Sa DBM ito’y ating hihilingin

     

    Ang budget na dati’y ating natatanggap

    Doon sa DBM ating ilalahad

    Dapat na ibalik at kaagad – agad

    Upang ang NPO sumigla’t lumakas

     

    Sa ‘special provision’ kasi ng GAA

    Ay kung magkano lang ang na-remit natin.

    Ay iyon din lamang ang magiging budget,

    Sa taong susunod kay-hirap abutin.

     

    Doon sa DBM ay may nakalaan

    270 milyon pang – modernisasyon

    Bakit ‘di pa kunin padagdagan pa ‘yon

    Upang unti – unti tayo’y makaahon

     

    Kapag malakas na itong opisina

    Lahat ng korapsyon dapat matanggal na

    Mga opisyal na mapagsamantala

    Dapat magreporma, lumayas na sila

     

    Mainam na gawin sila ay sampahan

    Ng kasong marapat doon sa Ombudsman

    Dahil kung ‘di gayon ay babalik din ‘yan

    Sa pangungurakot sa kaban ng bayan.

     

    Ang LINTIK na E.O. 378 na ‘yon

    Ang naging pahirap sa ati’y gumutom

    Ito’y inabuso ng mga simaron

    Sino ang may sala, GMA administration?

     

    Ngunit bakit hanggang kay Noynoy Aquino

    Na sa sambayanan nangako ng todo

    “Lahat ng korapsyon ay tatanggalin ko!”

    Bakit sa GAA,  nasingit ang APO?

     

    Iyon ba’y pangako, binobola tayo

    Tayo nang kumilos, kumilos ng todo-todo

    Mag-lobby na tayo doon sa kongreso

    E.O. 378 ibasura na ito.

     

    ‘Special provision’ doon sa GAA

    dapat ding baguhin, dapat ding itapon

    NPO lang dapat ang may budget doon

    Misteryosong APO, bakit nandoroon?

     

    Ayokong sabihing sila ay duhapang

    ‘Di  ito maganda, masakit
    pakinggan

    Ngunit pa’no naman, ating kalagayan

    Parati na lang bang yuyurak-yurakan?

     

    Papayag ba kayong nilalapastangan

    Ng mga inutil na opisyal ng bayan

    Mayayaman na nga’y nais pang makamkam

    Pati barya natin na pinaghihirapan.

     

    Kaya nga ang HOUSE BILL 4534 sa kongreso

    Na ini – sponsor ni ‘Winston’ Castelo

    Ating supurtahan, suportahan ng todo

    Ito’ng magliligtas sa ating trabaho.

     

    Ang sabi ng APO, NPO ay kurap

    Dahil pinapasa , trabaho sa labas

    Ito’y umaayon naman din sa batas

    Pera’y bumabalik, walang nawawaldas

     

     

     

    ‘Di – tulad ng APO na di uso ang BAC

    Lahat ng kinita sa bulsa ang bagsak

    Kaya ang DBM walang mailatag

    Na budget sa NPO, Pang makina dapat

     

    Kaya nagyayabang ang kurap na APO

    Dahil naisahan si Noynoy Aquino

    Sa likod nagdaan ang hunyangong ito

    Si Coloma baga ang nagkubli rito?

     

    Ang corrupt na APO ay ubod ng yabang

    Kahit binisto na nitong PCIJ

    ‘Di nga ba sinakdal ng APEA iyan

    Dahil profit-sharing hindi tinugonan

     

    Maging economist na si ‘Winnie’ Monsod

    Nagtataka siya sa APO ng lubos

    At ano’ng sabi niya sa kumpanyang bugok

    “TOO SMALL TO BE SEEN, TOO JUICY TO BE
    LET GO!”

     

    Kung korapsyon din nga ang pag-uusapan

    Ang NPO nama’y pakadyot-kadyot lang

    ‘Di tulad na APO na gatasan lamang

    Ng mga opisyal na sobrang gahaman.

     

    At kung korapsiyon nga ang pagbabatayan

    Sa paga-abolish ng mga tanggapan

    Lahat ng ahensiya ay mayroon niyan

    Walang matitira, wala ni isa man

     

    Di ba ang dapat ang kurap lang ang hatulan

    Sa kanyang ginawa, siya’y parusahan

    At lahat ng pera at ari – arian

    Na kanyang ninakaw ibalik sa bayan

     

    At kung gobyerno ma’y nabaon sa utang

    Silang mandarambong ang may kagagawan

    Kinurakot nila ang kaban ng bayan

    Tapos ngayon tayo ang parurusahan

    MAKATUWIRAN BA IYAN ?

     

    Espiritung banal nawa ay lukuban

    Mga opisyales nitong Malakanyang

    Salita ng Diyos nawa ay pakinggan

    Upang makinabang naman itong bayan

     

     

     

     

     

    Si ‘Sonny’ Coloma’y dapat nang sibakin

    ‘Di nakakatulong sa gobyerno natin

    Ang dapat ipalit ay ‘yung maawain

    May konsiyensiya’t malasakit sa katulad natin

     

    Pangako ni Noynoy matuwid na daan

    Hindi ko Makita ! Nasaan? Nasaan?

    Ituro n’yo nga sa ‘Kin mga kababayan

    Sa matuwid na daan, si Coloma’y hadlang

     

    Pangulong Aquino aming hinihiling

    Si Coloma’y di na dapat patagalin

    Maging si Visperas isabay mo na rin

    Nang aming matanaw ang matuwid na landasin

     

    ‘Kung wala ang kurap ay walang mahirap’

    Ito ang islogang sabi mo sa amin

    Idinagdag mo pa, kami ang iyong bosing

    Kaya bakinggan mo, aming hinihiling.

     

    Ngayon ang nais kong sa inyo’y sabihin

    Kayo ang sandigan, kawaning magigiting

    Ang ahensiyang ito’y ‘di dapat lusawin

    Bagkus itaguyod, lalong patatagin

     

    Ano nga ba ngayon ang dapat na gawin?

    Tayo ay kumilos, ipaglaban natin

    Yaong Malakanyang ating kalampagin

    Kay Noynoy Aquino, isigaw ating hiling:

     

    NPO ‘di APO and dapat buhayin

    NATIONAL PRINTING OFFICE,  ITAGUYOD, PATATAGIN !

     

     

     

     

Visitors Online